
by Hiraya
Mga barong-barong na yari sa balde nang mantika ang bubong, mga dampa na mistulang kahon nang posporo, mas aakalain mong bahay nang kalapati imbes nang tao.

by Lawrence OP
Sanay na ang mga mata kong makakita nang mga "taong grasa", pero sa mga batang nakayapak, nanlilimos at natutulog sa bangketa, hindi ko maiwasang malungkot at sabihin sa sarili kong sa lugar na ito, minsan ay walang hustisya.

by Margeee
Ganito na ba talaga ang takbo nang mundo ngayon? Kalakaran na ang kasabihang "matira ang matibay" o "kanya kanya tayong langoy". Pero parang hindi yata parehas ang laban. Ano ang laban nang mga murang katawan at musmos na kaalaman para sumugba sa hirap nang buhay?

by roger alcantara
Likas ba sa mga Pinoy ang mapagwalang-walang bahala? Ipinamigay natin sa ILAN ang kinabukasan nang mga paslit.

by photosheep
Inalis natin ang kakayahan nilang mangarap.

by terenzever
Ang mga hagikgik ay naging iyak at panangis.

by roger alcantara
Pinawi natin ang mga ngiti at pinalitan nang mga alinlangan.

by arodasi
Mga musmos na sa halip na nag aaral at naglalaro,

by roger alcantara
Ay nagkakalkal sa bundok nang basura, nag-pipidal nang traysikel at nagtutulak nang kariton sa kalsada.

by *bahag-king
Bakit nga ba humantong sa ganito?

by *bahag-king
Kasalanan ba nang ating mga magulang ang masalimuot at kumplikadong sitwasyon nang ating lipunan ngayon? Tama bang ibaling lahat ang sumbat sa ating mga pinuno? Sino ba ang mga naghalal sa mga ito? Tama bang mag aklas at daanin sa dahas?

by Takipsilim
Nakakatulong ba ang araw araw na rally na walang idinulot kundi magpasikip nang trapik at mamerwisyo nang mga karaniwang empleado?

by Mykl Syco
Ang paglahok na lang ba sa mga rebolusyon sa EDSA ang taging solusyon?

by ferdinand edralin foto
Sa mga ilan na ibinabalik sa mga kapuspalad na ito ang pagibig.

by Hocchuan
Kahit na ito ay maliit lang na patak nang tubig.

by Hocchuan
Ang kabutihan na ito ang mananatili sa kanilang murang isip.

by Hocchuan
Saan ba hahanapin ang pagbabago? Hindi natin kailanman maipipilit ang ating pananaw sa iba. Ang pagbabago na kailangang magsimula sa loob ay makikita sa labas. Ang mga kilos at galaw natin ay hindi nakakalampas sa mga batang nagmamasid.
Tayo ang ultimong instrumento nang pagbabago.

by Spiegelbild
"Ang mabuting gawa, kailanman ay hindi nakakalimutan; Sino mang magpunla nang paggalang ay magkakamit nang kaibigan; At sino mang magtanim nang kabutihan ay aani nang pagibig"........San Basilio